Ang Pagsibol

State of the Municipality Address (SOMA) 2019

Sa unang tatlong taon ay sinamahan natin siyang sumagwan para makapaghandog ng tamang serbisyo. Sa unang termino ng kanyang paglalayag ay naramdaman natin ang inklusibong pag-unlad. Mula sa kanyang sipag at sakripisyo. Puhunan ang mahusay na pamamahala at takot sa Diyos. Sa ating pagdaong sa bagong Bocaue na kasama ang lahat ng mamamayan nito. Kabilang ang lahat ng mga sektor. Kaugnay ang simbahan. Kapantay ang lahat ng antas at kasarian.

Muli siyang biniyayaan ng isang malakas na mandato. Isa muling kasaysayan sa dakilang bayan ng Bocaue. Sa ikalawang termino ng lider na may busilak na pusong maglingkod. Ang pagsibol ng katuparan ng lahat ng plano at pangarap.