
Bocaueño, may bago sa atin at maghahatid ito ng sigla sa ating buhay bawat araw! Ang pamamahala at serbiso sa bayan sa pangunguna ni Mayor Joni Villanueva ay nabigyan ng ISO Certification noong Setyembre 7. Sa simpleng paliwanag, ang ibig sabihin nito ay matapos ang masinsin at masusing pagsusuri, idineklara ang Bocaue bilang sumusunod sa pandaigdigang pamantayan o international standards sa pamamahala at pampublikong serbisyo.
Hawak ng Bocaue ngayon ang karangalan bilang kauna-unahang munisipalidad sa lalawigan ng Bulacan na may ISO 9001:2015 Certification.
“Noong nasa private sector pa ako, madami akong mga inayos na internal processes para sa kompanya. Iniisip ko na nga noon ang magpa-audit para sa ISO certification. Pero dinala tayo ng Panginoon sa paglilingkod sa mga Bocaueño. Pagpasok natin sa munisipyo ay agad din nating isinaayos ang mga proseso sa pamamahala at pagbibigay-serbisyo. Yung mga kailangang pagbutihin ay pinabuti natin. Yung mga mabuti na ay inimprove pa natin. Naisip ko, bakit hindi natin gawing goal na maging ISO certifed ang Bocaue? Kaya namen eh,” kwento ni Mayor Joni.
Isang taon at dalawang buwan ang inabot ng buong proseso ng auditing and certification. Si Mayor Joni mismo ang namahala dito sa tulong na rin ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan.
“Paradigm shift ang nangyari eh. Noong una, tila ba may kaunting resistance. Kasi nga naman sinusunod na natin ang mga takda at polisiya ng DILG (Department of the Interior and Local Government) at CSC (Civil Service Commission). Bakit magpapa-pressure pa tayo sa ISO? Pero kailangan eh. Hindi pwede ang nakasanayan na. We need to keep on improving. As we went on, nabago naman ang mga kaisipan ng lahat. Nakita ang value ng ISO certification, hindi lamang para sa munisipyo kundi bilang badge of honor rin para sa ating Dakilang Bayan,” paliwanag ni Mayor Joni.
Dahil ISO certifed na ang Bocaue, inaasahan ang mas maraming investors (pamumuhunan) na papasok sa bayan na makakatulong sa ekonomiya ng Bocaue. Inaasahan din na mas magiging madali ang pagkuha ng international grants para sa mga proyektong magpapaunlad pa sa bayan.
Congratulations sa ating Dakilang Bayan para sa karangalang ito!
