Bypass roads
Inaasahan na magdudulot ng pagluwag sa trapiko kapag natapos na ang mga proyektong bypass roads na hatid ng Pamahalaang Bayan at ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Naging maaasahan ding katuwang ang Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List para sa mabilis na pagsisimula ng mga pagawaing ito.
Drainage
Gawa man ng kalikasan ang malalakas na pag-ulan, may magagawa tayo upang ibsan man lamang ang perwisyong dulot ng baha. Ang mga drainage systems na ito ay agarang ipinapatapos ni Mayor Joni Villanueva upang mabawasan ang mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Muli ring nagpapaalala si Mayor Joni na panatilihing malinis ng bawat kabahayan ang kapaligiran sa kanilang barangay. “Mapapakinabangan nating lubos ang ating mga drainage kung hindi sila babarahan ng mga basurang galing din mismo sa ating mga tahanan,” paliwanag ni Mayor Joni.
Relief Operations
Pinangunahan ni Mayor Joni Villanueva ang distribution ng relief packages sa kasagsagan ng habagat noong Agosto. Lumusong siya sa baha at personal na nag-abot ng tulong sa mga apektadong Bocaueño.
“Bawat isang bag ng relief pack na ating iniaabot ay kasama ng mataimtim na dasal sa Diyos na tulungan Niya tayo sa gitna ng ganitong kalamidad.Limitado ang kaya nating maitulong, ngunit walang hangganan ang pag-iingat at pag-asa na kayang ibigay sa atin ng Panginoon,” ayon kay Mayor Joni